
Ulan ay bumuhos, Kasabay ay luhang umaagos. Di tiyak kun kailan matatapos, Sapagka't puso'y naghihinagpis ng lubos. Makitang masaya ka sa iba ay kay sakit, Pero wala akong karapatang magalit Mayaring magdadamdam ng konting pait, Ngunit ikukubli nalang kung bakit Ikaw giliw ay di maunawaan, Sana'y binigyan mo ng kalinawan. Ano ba ang dapat na maramdaman? Ako sayo'y nagugulumihanan. Salita at kilos mo'y magkasalungat. Nangakong saki'y magiging tunay at tapat, Ngunit sa kilos mo'y iba aking nababakat. At napagtanto ko ngang, tanging tanghali lang ang tapat.
Literary by Hiraya Manawari